DIY phone case na mabibili sa vending machine, high-tech na negosyo ng isang Gen Z

💻 Teknoloji 📰 Philippines 🕐 4 saat önce
DIY phone case na mabibili sa vending machine, high-tech na negosyo ng isang Gen Z

Bukod sa mga pagkain at inumin, puwede na ring mabili sa vending machine ang mga phone case, na puwede pang do-it-yourself (DIY) o personalized ng may-ari. Ang high-tech na imbensyon, pakulo ng isang Gen Z.

Bukod sa mga pagkain at inumin, puwede na ring mabili sa vending machine ang mga phone case, na puwede pang do-it-yourself (DIY) o personalized ng may-ari. Ang high-tech na imbensyon, pakulo ng isang Gen Z.

Sa nakaraang episode ng Pera Paraan, itinampok ang DIY phone case business ni Ethan Chan.

“The reason kung bakit phone case ang napili naming product to sell in a vending machine is because it's something innovative, technological na wala pa sa Pilipinas,” sabi ni Ethan.

May 90 phone case models ang vending machine ni Ethan na puwedeng pagpilian.

Gawa ang mga ito sa hard case rubber, shockproof, waterproof at scratchproof kaya umano matibay.

Sa vending machine, unang pipiliin ang prompt na “Customize” saka pipiliin ang phone model. I-upload ang larawan sa pamamagitan ng QR code, iporma sa phone case, ihuhulog ang bayad saka ipi-print.

Nang magtapos ng architecture, agad na pinasok ni Ethan ang pagnenegosyo.

“I always plan to be an architect to get my license first. And sabi ko, kung dumating na 'yung opportunity, why won't I take it? It's an opportunity of a lifetime,” sabi niya.

Ilang buwan makaraang umpisahan ang negosyo, nakapagtayo na ng iba't ibang branches si Ethan. Ngayon, open for franchise na rin ang kaniyang negosyo.

“It's always to trust your instincts. Especially sometimes, we always doubt ourselves na ‘Tama ba itong ginagawa ko?’ Pero as long as 'yung isip natin at 'yung focus natin nasa isang bagay na gusto natin maging successful, makakamit rin natin ito,” sabi ni Ethan. -- FRJ GMA News

#tech

📌 Kaynak

Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.

Orijinal haberi oku →
📱
News AI World — Mobil uygulama
Bu haberleri 45 dilde, anlık çeviriyle cebinde. Erken erişim için Gmail adresini bırak.
← Tüm haberlere dön