68 patay, 33 nawawala matapos yumanig ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao -- OCD

📌 Diğer 📰 Philippines 🕐 3 saat önce
68 patay, 33 nawawala matapos yumanig ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao -- OCD

Umakyat na sa 68 ang bilang ng mga namatay mula sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani noong Hunyo 8, habang mahigit 1.4 milyon katao ang apektado sa buong Mindanao, batay sa pinakabagong datos ng gobyerno na inilabas ng Office of Civil Defense (OCD).

Umakyat na sa 68 ang bilang ng mga namatay mula sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani noong Hunyo 8, habang mahigit 1.4 milyon katao ang apektado sa buong Mindanao, batay sa pinakabagong datos ng gobyerno na inilabas ng Office of Civil Defense (OCD).

Ayon sa datos hanggang 6 a.m. nitong Miyerkoles, ang Region XII ang may pinakamalaking bilang ng mga nasawi na 57 — habang 33 naman sa Sarangani at 24 sa South Cotabato.

Nakapagtala naman ang Region XI ng 11 nasawi, kabilang ang 10 sa Davao Occidental at isa sa Davao del Sur, ayon sa OCD.

Iniulat din ng mga awtoridad na may 33 nawawalang tao: 16 sa Davao Occidental, 15 sa Sarangani, at dalawa sa South Cotabato.

Samantala, umakyat sa 1,339 ang bilang ng mga sugatan, kung saan ang South Cotabato ang nagtala ng pinakamataas na bilang na 948.

Naapektuhan ng lindol ang kabuuang 339,254 na pamilya, o 1,417,078 indibiduwal, sa Region XI at XII at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Hindi bababa sa 4,464 na pamilya, katumbas ng 19,791 indibiduwal, ang nananatili sa 45 evacuation center.

Nagdulot din ang sakuna ng malawakang pinsala sa mga tahanan at imprastraktura. Iniulat ng mga awtoridad na 13,652 mga bahay ang ganap na nasira, habang 60,281 ang nagkaroon ng bahagyang pinsala.

May kabuuang 774 mga pasilidad ng imprastraktura ang nasira, na tinatayang umabot sa P1.29 bilyon ang pinsala.

Tinatayang nasa P29.8 milyon ang pinsala sa agrikultura, na nakaapekto sa mga lugar ng pagsasaka sa Davao del Norte at Davao del Sur.

Nananatili sa ilalim ng state of calamity ang 14 munisipalidad sa Davao Occidental, Sarangani, at South Cotabato.

Ayon sa gobyerno, umabot na sa P160.9 milyon ang naipaabot na tulong sa mga apektadong pamilya, habang nakatanggap naman ng karagdagang P8.1 milyon ang mga lokal na pamahalaan. —Sherylin Untalan/Jamil Santos/VBL GMA News

📌 Kaynak

Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.

Orijinal haberi oku →
📱
News AI World — Mobil uygulama
Bu haberleri 45 dilde, anlık çeviriyle cebinde. Erken erişim için Gmail adresini bırak.
← Tüm haberlere dön