Nakaparadang van, umandar at halos araruhin ang mga lalaking umiinom kahit walang nagmamaneho

📌 Diğer 📰 Philippines 🕐 5 saat önce
Nakaparadang van, umandar at halos araruhin ang mga lalaking umiinom kahit walang nagmamaneho

Nawala ang amats ng grupo ng mga nag-iinumang lalaki matapos na biglang umandar ang isang nakaparadang L300 van sa kanilang likuran at halos araruhin pa sila sa Santo Tomas, Pampanga.

Nawala ang amats ng grupo ng mga nag-iinumang lalaki matapos na biglang umandar ang isang nakaparadang L300 van sa kanilang likuran at halos araruhin pa sila sa Santo Tomas, Pampanga.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” mapanonood ang aktuwal na footage ng masayang inuman nina Paulo David, isang driver, kasama ang amo nilang si Joseph Matitu, may-ari ng garahe, nang bigla na lamang mag-start ang van, dumiretso at araruhin sila.

Kaya naman ang mga lalaki, nagsitayuan para pigilan na tuluyan silang magulungan ng sasakyan. Kalaunan, napagtanto nilang walang nagmamaneho ng umandar na van.

“Nakatago ‘yung susi. Ba’t umandar ‘yung FV? Parang horror na gusto niyang banggain kami lahat,” sabi ni Joseph.

“Natanggal ‘yung lasing namin noong nangyari ‘yun. Na-shock lahat,” sabi ni Paulo.

“Umandar siyang kusa, parang may nagpapaandar na wala namang tao,” paglalarawan ni Paulo.

“Nagredondo 'yung sasakyan eh. Pagkatalikod ko, talagang ako 'yung sasapulin,” sabi ng driver ding si Adrian Ocampo.

Hanggang sa tinangka ni Paulo na abutin ang kambyo ng L300 van para pigilan sana ang pag-abante nito.

Ngunit ang van, tila gusto umanong umandar mag-isa, kaya nagpulasan at hindi mapigilan ng kanilang grupo.

"Kasama ko nagpulasan na tulong-tulongan. Andami na namin, di namin mapigilan. Parang nagtutulak ang naka-handbrake na sasakyan," ani Paulo.

“Electrical tsaka mechanic, wala naman po siyang technical problem,” giit ni Paulo.

Ngunit bago nito, may kakatuwa nang karanasan ang magkakaibigan sa garahe kung saan nakaparada ang van.

“Pag 'yung tahimik na 'yung paligid, parang feeling mo may kasama kami. Titingin ka sa likod mo, wala naman tao,” sabi ni Paulo.

“Parang may sumusunod sa'yo ‘pag lumalakad ka. ‘Pag titignan mo, wala naman,” sabi naman ni Adrian.

Ngunit si Paulo, sinabing may naririnig siyang mga yapak ng mga batang naglalaro sa may CR namin.

Nadagdagan pa ang takot na kanilang naranasan dahil ang garahe mismo nina Joseph, may pagawaan din ng kabaong, na negosyo ng kaibigan niyang si Joey Balao.

Si Joey rin ang may-ari ng L300 van na madalas gamitin sa pag-deliver ng mga ataul. At kung minsan, pinagsasakyan din nila ito ng ipinapakisuyo sa kanilang mga bangkay.

Ang sasakyan, minsan na ring nakapagsakay ng pasyenteng namatay.

“'Yung nangyari doon sa kumpare ko na inatake siya, walang ibang magsi-service, hinatid ko. Hindi umabot ng ospital. Sa mismong sasakyan ko namatay,” kuwento ni Joey.

Ayon naman kay Joey, alagang-alaga niya ang kaniyang van, kaya nagtataka siya kung paanong umandar itong mag-isa.

Ang fireman naman na si Peng Gervac

📌 Kaynak

Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.

Orijinal haberi oku →
📱
News AI World — Mobil uygulama
Bu haberleri 45 dilde, anlık çeviriyle cebinde. Erken erişim için Gmail adresini bırak.
← Tüm haberlere dön