Katol, paano nga ba ginagawa at ano ang sangkap para ang lamok... tepok?

📌 Diğer 📰 Philippines 🕐 3 saat önce
Katol, paano nga ba ginagawa at ano ang sangkap para ang lamok... tepok?

Parte na ng buhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng katol para itaboy ang mga pesteng lamok sa kanilang mga kabahayan. Paano nga ba ito ginagawa, at anong mga sangkap ang inihahalo rito upang matepok ang lamok? Alamin.

Parte na ng buhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng katol para itaboy ang mga pesteng lamok sa kanilang mga kabahayan. Paano nga ba ito ginagawa, at anong mga sangkap ang inihahalo rito upang matepok ang lamok? Alamin.

Pinaniniwalaang nanggaling ang salitang “katol” sa salitang Hapon na “Katorisenko,” ayon sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

“‘Ka’ – lamok. ‘Tori’ – to take. Tapos ‘senko’ – insenso. Sa lenggwahe nila, may mga pagkakataon napagpapalit nila 'yung L at R. Dito sa Pilipinas, naging katol,” paliwanag ni Dr. Tyrone Nepomuceno, Professor ng History and Asian Studies.

Nasa Mandaue City, Cebu ang kauna-unahang pagawaan ng katol, na mahigit anim na dekada nang negosyo ng pamilya ni Ralph Ryan Dacay.

“Ever since 1961, kami 'yung the only po nagpo-produce ng mosquito coils dito sa Pilipinas,” sabi ni Ralph.

Araw-araw, mahigit isang milyong piraso ng mosquito coil ang nalilikha ng kanilang mga makina na mula pa sa Japan.

Sa paggawa ng katol, paghahaluin muna ang mga sangkap, gaya ng pinulbos na bao ng niyog o coconut shell powder, at onggok flour na nagba-bind ng mga premix powder o liquid.

Ngunit ang nagsisilbi talagang pantaboy o pamatay ng lamok ang sangkap o synthetic chemical na Metofluthrin kung tawagin.

Matapos paghalu-haluin ang mga sangkap at maging dough, isinasalang na ang mga ito sa stamp machine at huhulmahin para maging spiral ang hugis.

Sunod itong patutuyuin sa drying machine ng anim hanggang walong oras.

Hamon sa paggamit ng mosquito coil ang paghihiwalay sa mag-asawa o magkabuhol na katol.

Sinimulan ang family business nina Ralph ng kaniyang lolong si Ernesto, na nagka-malaria noong dekada 50.

“He decided na naghahanap siya ng solusyon para sa problemang ito. Bumili siya ng mga machinery,” kuwento ni Ralph.

Ngayon, si Ralph na ang namamahala sa kanilang family business.

“I keep it a promise na I serve the same purpose as my grandfather,” sabi niya.

“Meron kasi siyang component na tinatawag na formaldehyde. Puwede siyang mag-cause ng inflammatory reaction sa baga, na pwede mag-cause ng pagsikip ng daanan ng hangin, pag-ubo, hirap sa paghinga. Very well ventilated 'yung area dapat. So hindi dapat kayo na-expose mismo dun sa usok ng katol,” paalala naman ni Dr. Rizalyn Pinera, isang pulmonologist.

Sa Europa, may mamahalin at tila pina-sosyal na katol ang ibinebenta ng luxury perfume brand na Diptyque. Ang presyo nito, nagkakahalaga ng 60 Euros, o katumbas ng P4,262.94, na Citronelle (Lemongrass) Incense.

“Its fresh, herbaceous scent creates an outdoor oasis. Placed on its small oval stand or paired with

📌 Kaynak

Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.

Orijinal haberi oku →
📱
News AI World — Mobil uygulama
Bu haberleri 45 dilde, anlık çeviriyle cebinde. Erken erişim için Gmail adresini bırak.
← Tüm haberlere dön