BPI, aalisin ang transfers free ng InstaPay at PESONet simula sa July 1, 2026
Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ngayong Lunes na permanente nang aalisin ang bayad sa mga transaksiyon na isinasagawa ng InstaPay at PESONet simula sa Miyerkules, Hulyo 1, 2026.
Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ngayong Lunes na permanente nang aalisin ang bayad sa mga transaksiyon na isinasagawa ng InstaPay at PESONet simula sa Miyerkules, Hulyo 1, 2026.
Dating naniningil ng P10 ang bangkong pinamumunuan ng Ayala Group para sa bawat InstaPay transaction, at P50 naman para sa bawat PESONet transfer.
Ang pag-alis umano ng mga bayarin ay alinsunod sa circular na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kamakailan na nag-uutos sa mga financial institution na magpatupad ng makatwiran at patas na pagpepresyo sa kanilang mga serbisyo.
“As we mark out 175th year, BPI remains committed to removing barriers to financial access and making banking more inclusive for all Filipinos,” saad ni BPI president and chief executive officer Jose Teodoro “TG” Limcaoco sa isang pahayag.
“Making interbank transfers free is a meaningful step toward enabling our customers to move their money more freely, while strengthening adoption of secure and convenient digital banking,” dagdag niya.
Ayon sa BPI, inaasahang makikinabang sa pag-aalis ng transfer fees ang mahigit 9.5 milyong rehistradong gumagamit ng kanilang mobile application. Mananatili ring libre ang paglilipat ng pera sa ibang mga bangko at e-wallet para sa lahat ng verified VYBE users.
Nagtala ang BPI ng P66.62 bilyong netong kita noong 2025, na mas mataas ng 7.4% kumpara sa nakaraang taon. Habang 16% naman ang paglago sa net interest income na umabot sa P148 bilyon. Samantala, tumaas ng 14.8% ang kabuuang kita ng bangko sa P195.3 bilyon.
Noong 2025, ang BPI ang ikalawang pinakamalaking bangko sa Pilipinas batay sa kabuuang assets na nagkakahalaga ng P3.625 trilyon, kasunod ng BDO Unibank Inc., na may P5.273 trilyong assets.— Jon Viktor D. Cabuenas/FRJ GMA News
📌 Kaynak
Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.
Orijinal haberi oku →