Babaeng angkas sa motorsiklo, patay nang masagasaan ng dump truck sa Cabuyao Laguna

🚀 Uzay 📰 Philippines 🕐 3 saat önce
Babaeng angkas sa motorsiklo, patay nang masagasaan ng dump truck sa Cabuyao Laguna

Isang babae ang nasawi matapos na sumemplang ang sinasakyan niyang motorsiklo at mahulog ang biktima na dahilan para magulungan siya ng kasabay na dump truck sa Cabuyao, Laguna.

Isang babae ang nasawi matapos na sumemplang ang sinasakyan niyang motorsiklo at mahulog ang biktima na dahilan para magulungan siya ng kasabay na dump truck sa Cabuyao, Laguna.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Lunes, makikita sa CCTV footage na halos magkadikit ang motorsiklo at truck habang nasa biyahe.

Pero hindi nagtagal, sumemplang na ang motorsiklo na dahilan para matumba ang mag-asawang sakay nito.

Nagulungan ng truck ang angkas na babae at nasawi, habang sugatan naman ang rider na kaniyang asawa.

Ayon sa pulisya, sabay umanong lumipat ng linya ang motorsiklo at truck kaya nangyari ang insidente.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck na walang pahayag.

#nasa

📌 Kaynak

Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.

Orijinal haberi oku →
📱
News AI World — Mobil uygulama
Bu haberleri 45 dilde, anlık çeviriyle cebinde. Erken erişim için Gmail adresini bırak.
← Tüm haberlere dön