17-anyos na babae, pinatay sa taga sa Bukidnon; krimen, nasaksihan umano ng kinakasama ng biktima

🚀 Uzay 📰 Philippines 🕐 3 saat önce
17-anyos na babae, pinatay sa taga sa Bukidnon; krimen, nasaksihan umano ng kinakasama ng biktima

Isang 17-anyos na babae ang pinagtataga hanggang sa mapatay habang naglalaba sa tabing-ilog sa Talakag, Bukidnon. Ang kinakasama ng biktima, sinabing nakita niya ang pagpatay nang papalapit na siya sa lugar.

Sa ulat ni Cyril Chaves sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, hinihinala rin ng kinakasama ng biktima na Bobby Dacer na ginahasa muna ng suspek ang dalagita bago pinagtataga.

Kuwento ni Dacer, magkasama sila ng biktima nang magtungo sa tabing-ilog para maglaba noong Linggo. Pero bumalik din siya ng bahay kasama ang anak nilang 10-buwang-gulang.

Nakita pa raw niya ang suspek habang inaasikaso ang motorsiklo nito pero hindi niya binigyan ng pansin.

Pagkaraan ng 20 minuto, bumalik siya sa tabing-ilog at habang papalapit sa lugar, nakita niya ang ginawang pagpatay ng suspek sa biktima.

Kinompronta umano niya ang suspek pero mabilis na tumakas nang paparating na ang ibang tao.

Ayon kay Police Regional Office-Northern Mindanao (PRO-10) Spokesperson, Police Major Joann Navarro, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para madakip ang suspek.

Sa social media post, nag-alaok naman ng pabuya si Talakag Mayor Renz Sulatan para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa pinagtataguan ng suspek para maaresto. – FRJ GMA News

#nasa

📌 Kaynak

Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.

Orijinal haberi oku →
📱
News AI World — Mobil uygulama
Bu haberleri 45 dilde, anlık çeviriyle cebinde. Erken erişim için Gmail adresini bırak.
← Tüm haberlere dön