Alamin kung magkano ang kaltas sa sahod bilang kontribusyon sa PhilHealth at benepisyong makukuha ng pasyente
Hindi maitatangging mahal magkasakit sa Pilipinas kung saan kinukuha ng mga Pilipino sa kanilang mga bulsa ang ipinambabayad sa ospital, mga gamot at procedure na kailangang isagawa. Kaya naman malaking tulong sana ang health insurance benefits na makukuha sa mula sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Paano nga ba kinukuwenta ng PhilHealth ang benepisyong makukuha ng isang pasyente?
Hindi maitatangging mahal magkasakit sa Pilipinas kung saan kinukuha ng mga Pilipino sa kanilang mga bulsa ang ipinambabayad sa ospital, mga gamot at procedure na kailangang isagawa. Kaya naman malaking tulong sana ang health insurance benefits na makukuha sa mula sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Paano nga ba kinukuwenta ng PhilHealth ang benepisyong makukuha ng isang pasyente?
Sa ulat ni Katrina Son sa GMA News Feed, sinabing nakasaad sa kasalukuyang sistema ng PhilHealth, na batay na rin sa Universal Healthcare Act, na fixed sa 5% ng buwanang suweldo ang kinakaltas bilang kontribusyon sa PhilHealth.
Pinakamababang kaltas ang P500, base sa income floor na P10,000 na itinakda ng ahensiya. Pinakamataas na kaltas naman ang P5,000, batay sa income ceiling na P100,000.
Hahatian ng employer ang isang empleyado ng kompanya sa pagbabayad sa PhilHealth. Ang self-employed individuals naman, kailangang bayaran nang buo ang contribution batay sa buwanan nilang kita.
Taon-taong tumataas ang contribution rate ng PhilHealth, mula sa 2.75% noong 2019 hanggang maging 5% pagdating ng 2024.
“Kasi malawak ‘yung gusto nating mangyari sa Universal Health Care Act. Gusto natin na maprotekta ang bawat Pilipino, magkaroon ng kakayahang gumamit ng serbisyong medikal or health services na hindi sila mamumulubi,” sabi ni Dr. Liezel Lagrada ng UP Manila College of Public Health.
“So ibig sabihin, kung may nararamdaman ka, may kailangan kang gamutan, you are assured that you will be given that care without fearing that you will become impoverished. So bakit natin kailangang itaas ang contribution? Para masigurado na we have enough funds to make good of that promise,” dagdag niya.
Gayunman, iba ang paghuhulog sa savings kumpara sa pagbabayad sa PhilHealth.
Nangangahulugan itong hindi nakasalalay sa laki ng contribution ang benepisyong makukuha, dahil napupunta sa National Health Insurance Fund ang perang nakukuha ng PhilHealth mula sa contributions. Ito ang gagamitin sa pagbigay ng benepisyo sa mga nangangailangang mag-claim nito.
“Dapat tingnan natin ang social insurance na hindi parang bangko na one-to-one ang palitan. Nakadisenyo ito sa concept ng pre-payment. So sa panahon na tayo nagkakayahang mag-contribution, tayo ay nag-aambag sa isang malaking pitaka, isang malaking wallet na lahat tayo ay nagko-contribute,” sabi ni Lagrada.
Nakabase sa fixed na case rate ang mga benepisyong nakukuha mula sa PhilHealth.
Nangangahulugan ito na sa bawat sakit o medical procedure, may itinakda na ang PhilHealth na fixed na halagang sasagutin sa bill ng pasyent
📌 Kaynak
Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.
Orijinal haberi oku →