Negosyong sinigang na walang sabaw, patok kaya ang kita?
Classic na sinigang na may kakaibang twist dahil wala itong sabaw ang naisipang gawing negosyo ng isang bagong graduate. Kumusta naman kaya ang kita sa kaniyang kakaibang pakulo? Alamin.
Classic na sinigang na may kakaibang twist dahil wala itong sabaw ang naisipang gawing negosyo ng isang bagong graduate. Kumusta naman kaya ang kita sa kaniyang kakaibang pakulo? Alamin.
Sa nakaraang episode ng “Pera Paraan,” ikinuwento ng 24-anyos na negosyanteng si Renard Poblete, na ngayong taon lang niya sinimulan ang kaniyang negosyo na “sinigang fried rice” na may iba’t ibang toppings na liempo, bangus at may kangkong chips.
Nagsisimula sa P149 ang presyo para sa regular sinigang fried rice, at mayroon ding large size at pang group sharing.
Para sa ibang nakatikim ng sinigang fried rice na walang sabaw, bagay daw ito sa mga tao na laging on-the-go.
Ang iba naman, nagsabing mistulang classic na sinigang na ibinuhos sa fried rice ang produkto ni Renard.
Ayon kay Renard, pagkatapos niyang maka-graduate noong June 2025, sinabi niya sa sarili na magpapahinga muna at hindi muna maghahanap ng trabaho.
“During the course of that break, isa sa mga naging hobbies ko talaga, gusto kong matutunang magluto. And best way for me to have or gain knowledge sa pagluluto is through my mom,” kuwento niya.
“Kada magluluto siya sa amin araw araw, tatabi ako sa kaniya. Doon ko na-o-observe kung paano ba talaga yung kilos, paano ba talaga yung luto,“ patuloy niya.
Dahil paborito ni Renard ang sinigang, naisipan niya itong lagyan ng twist. At nang ginagawa niya ang sinigang fried rice, naisipan niyang puwede itong inegosyo.
Kasunod nito, nagsagawa siya ng ilang buwan na market research hanggang sa makuha niya ang tamang lasa para sa kaniyang gagawing produkto.
Sa puhunan na P15,000, sinimulan ni Renard na ibenta ang sinigang fried rice niya sa kaniyang mga ka- alma mater nang magkaroon ng apat na araw na school fair. At bago umano matapos ang naturang school fair, nagkaroon daw siya ng gross sale na P35,000 to P36,000.
Doon na rin nakita ni Renard na maganda ang kita sa mga pop-up events o food bazars lalo na kung bago pa lang ang produkto.
“I really believe na locationing is very crucial when you run a business. Hindi ako puwedeng pumuwesto sa mga mall because alam ko sa sarili ko na hindi papatok doon yung negosyo. And para sa akin kasi kaya lang ako pumupuwesto sa mga food store sa mga food bazars ngayon, this is mainly for capitalization purposes,” paliwanag niya.
Ngayon, ang average sales umano ni Renard ay umaabot ng P10,000 kada araw.
Gumagamit din si Renard ng social media para ipakilala ang kaniyang produkto.
Kapag may nagtatanong naman kung bakit niya inalis ang sabaw sa kaniyang sinigang, ang isinasagot umano niya, “Maam, makakapag-takeout o makak
📌 Kaynak
Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.
Orijinal haberi oku →