Grade 10 student sa Iloilo, nahulihan ng baril na may bala sa kaniyang bag sa eskuwelahan
Isang 15-anyos na Grade 10 na estudyante ang nahulihan ng isang kalibre .38 na baril at anim na bala sa loob ng kaniyang bag habang nasa loob ng isang paaralan sa Barotac Nuevo, Iloilo.
Isang 15-anyos na Grade 10 na estudyante ang nahulihan ng isang kalibre .38 na baril at anim na bala sa loob ng kaniyang bag habang nasa loob ng isang paaralan sa Barotac Nuevo, Iloilo.
Sa ulat ni Zen Quilantang-Sasa sa GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Miyerkoles, sinabing nangyari ang insidente nitong hapon ng Martes, Hunyo 30, 2026.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon ang guro ng estudyante na may dala itong baril sa kaniyang bag. Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang paaralan sa mga awtoridad.
“May na-hold silang isang estudyante sa Office of the Guidance Counselor na suspectedly, may dalang armas. Nag-respond ang police and MSWDO. At iyon, chineck ang bag,” ayon kay Police Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office.
Matapos makumpiska ng pulisya ang baril at mga bala, ipinatawag ng paaralan ang ina ng estudyante.
“Nagulat ako na tinawagan ako ng adviser ng anak ko na hindi raw pauuwiin ang anak ko kasi may nakuha na armas sa kanya. Hindi maintindihan ang nararamdaman ko… sumama ang aking pakiramdam,” ayon sa ina.
Sinabi rin ng ina na naikuwento ng kaniyang anak na mayroon itong mga kaaway at binugbog umano siya noong nakaraang buwan.
Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isinailalim ang menor de edad sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mabigyan ng kaukulang interbensyon.
Napag-alaman na lumaki ang bata sa pangangalaga ng kaniyang mga lolo at lola matapos maghiwalay ang kaniyang mga magulang 10 taon na ang nakalilipas. Siya ang bunso sa apat na anak ng kaniyang ina sa unang pamilya nito.
Ayon kay Edward Gulmatico, kapitan ng Barangay Agcuyawan Pulo, kung saan nakatira ang bata, ilang ulit na niya itong pinagsabihan dahil sa ilang gawain na hindi tama.
May pagkakataon na nagmamaneho umano ang estudyante ng tricycle o motorsiklo na walang lisyensya, at kung minsan ay nakainom pa.
Ayon naman sa Department of Education (DepEd) Schools Division of Iloilo, ang pagkakarekober sa baril at mga bala ay patunay na epektibo ang pinaigting na mga hakbang sa seguridad sa mga paaralan.
“Isa itong rason na nakita natin. Somehow, nagwo-work na talaga ang enhancement ng safety protocols,” ayon kay Leonil Salvilla, information officer ng DepEd Schools Division ng Iloilo.
Pinaigting ng mga paaralan sa buong bansa ang kanilang mga hakbang sa seguridad kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pa.
Kapuwa estudyante ang mga suspek na may edad na 14 at 15. – FRJ GMA News
📌 Kaynak
Bu haber XML kaynağından derlenmiştir. Tamamı için orijinal habere gidin.
Orijinal haberi oku →